Agad na ibinalot ni Amber sa katawan ang mabangong blazer. Pagkatapos ay humarap siya kay Hunter. Magpapasalamat dapat siya pero hindi pa man nakabuka ang kaniyang bibig ay kinutusan naman siya nito. "Aray ko!" "Sa susunod, huwag mo na akong takasan! Wala akong tulog dahil sa 'yo!" Inis niyang tinapik ang kamay nito. "Kaya ka tinatakasan dahil ang sama ng ugali mo! Subukan mo kayang baguhin 'yan!" "Ako pa talaga ang mag-a-adjust sa asal mong pangkalye?" "Alangan namang si Felix? Siya ba ang pakakasalan ko?!" "Hoy, teka! Ba't nadawit pangalan ko?" "Tumahimik ka!" sabay na singhal ng dalawa kay Felix. Napanguso naman ang huli. "Aso't pusa!" Binalingan na lamang nito ang mga tauhang kasalukuyan nang binubugbog ang apat na kalalakihang muntik nang humalay kay Amber. "Dalhin niyo ang

