Amber wore a beautiful sleeveless white wedding dress with flowers embroidered along the edges. Lovely and elegant lalo na sa estilo ng pagkakatali ng buhok nitong naka-bun, pinalibutan ng mga maliliit na hair clips na may desinyo ng tunay na dyamante ang buhok nito. Ang mga kamay naman nitong naka-gloves ay hawak-hawak ang magaganda't preskong mga bulaklak. Bagay na bagay ang ayos nito sa tema ng kasal. She looks like a queen of fairies in her garden wedding, gliding effortlessly down the green carpet, sa gitna ng mga kilala at bigating bisitang dumalo. Her unique beauty shone through her makeup, perfectly complemented by the soft golden glow of the string lights. Halos walang kakurap-kurap na napatitig dito si Hunter. Bigla na lang itong naging pinakamagandang babae sa paningin niya.

