CHLOE Pagbalik namin ng Manila ay agad kaming dumertso sa bahay namin. Iyon ang plano namin ni Paulo at wala ng makaawat pa para ipagtapat naming ang totoo sa mga magulang ko. Nagulat pa kami ni Paulo ng makita naming pareho ang kotse ni Patricia na nakapark sa garahe ng bahay namin. Ang aga naman ata ng babaeng iyon sa kanilang bahay? Kumulo naman ang dugo ko maisip ko pa lang ang hitsura nito sa aking isipan. Nanggigigil na ako sa inis. Bago kami bumaba ng kotse ay tiningnan ko muna ng masama si Paulo. I gave him a warning look na kapag may mali itong ginawa sa harap ko lalo na at nasa loob si Patricia ay magwawala talaga ako sa galit. Kung dati ay pumapayag pa ako na yapus-yapusin ito ng babaeng iyon, ngayon ay hindi na. Magkakaanak na kaming dalawa kaya dapat ay maayos na ang dapat

