------ ***Azalea’s POV*** - Dalawang araw nang nandito sa ospital si Yashir. Hindi naman siya masyadong napuruhan sa aksidente kaya medyo bumalik agad ang lakas niya. Si Denise naman? Ewan ko. Hindi ako nakikibalita sa kanya. Hindi ko alam kung may pamilyang dumalaw sa kanya, pero lagi kong nakikita ang mga kaibigan nilang dalawa ni Yashir dito sa ospital na alam kong si Denise ang pinuntahan. Hindi pa namin napag-uusapan ni Yashir ang tungkol sa nangyari. Isinantabi ko muna ang galit at sama ng loob dahil sa kalagayan niya. Hindi ito ang tamang panahon para pag- usapan namin ang tungkol dun, ang mahalaga sa ngayon ay ang tuluyang paggaling niya. Dumating ang mga magulang ni Yashir ngayon, nagpaalam muna ako sa kanila. May bibilhin lang ako—ito kasi ang gustong kainin ng sikmura ko,

