------- ***Azalea’s POV*** - He needs me? He wants me? Iyan lang naman ang lagi kong naririnig sa kanya. Pero sa totoo lang—may iba akong mas gustong marinig mula sa kanya. Pero noon lang 'yon—hindi na ngayon. Ngayon na muling namumbalik sa akin ang takot, ang bangungot na hindi niya alam na iniwan niya sa akin. Pati nga ‘yong mga salitang iyon na gustong-gusto kong marinig mula sa kanya… hindi ko na rin nais pang marinig. Dahil sa napakalalim at napakalaking sugat na iniwan niya sa akin. Yashir didn’t really know the price I paid because of what he did. Hindi niya alam kung ano ang pinagdurusahan ko ng sobra. Wala syang kaalam- alam sa ano ang naging kapalit ng ginawa niya sa akin. Sinikreto ko. Pinilit kong limutin. Pinilit kong ibaon sa pinakamalalim na bahagi ng puso ko—dahil ay

