YS24: The Boy Who Carries His Name in Silence

2063 Words

------- ***Yashir’s POV*** - Madilim. Tahimik. Para akong lulubog, pero hindi ako nalulunod. Parang may mabigat na kumot ng kawalan na nakabalot sa buong katawan ko. Wala akong marinig, pero may kung anong ingay sa loob ng ulo ko—parang mga tunog na hindi ko maunawaan, nag-aaway, nagkakagulo, ngunit lahat ay tila nasa ilalim ng tubig. Bigla, may liwanag. Unti-unting pumasok ang sinag sa paningin ko. Masakit. Sobrang sakit sa mata, pero dahan-dahan kong ininda. Mabagal. Mabigat. Parang may mga mata ako, pero hindi ko sigurado kung akin pa ba talaga ang katawan kong ito. Iminulat ko ang mata ko. Isa lang. Pagkatapos ay ang isa pa. Puting kisame. Tubong nakakabit sa kamay ko. Amoy alcohol. Amoy ospital. Nasaan ako? Buhay pa ba ako? Tila nanigas ang buong katawan ko. Gusto kong igal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD