------ ***Azalea's POV*** - Hindi ako umiiyak, pero nakatulala lang ako sa kawalan habang nakakulong dito sa loob ng kwarto ko. Masyadong nanikip ang dibdib ko na para bang may nakaharang na malaking bato dito. Gusto kong sumigaw, gusto kong isampal sa mukha ni Yashir lahat ng hinanakit ko sa kanya, lahat ng sama ng loob na matagal ko nang kinikimkim. Ilang saglit, napalaghap ako ng hangin. Pilit kong kinakalma ang sarili ko, pinipigilan ang luha na gustong pumatak sa pisngi ko. Maya-maya lang, may narinig akong mahinang katok sa pinto ng kwarto ko. Alam kong imposibleng si Yashir iyon. Wala siyang kakayahan para masundan ako dito sa 2nd floor. Pero hindi ko maiwasang kabahan. May kaunting takot sa dibdib ko—takot na baka siya nga ang nasa labas. Hindi ko pa siya kayang harapin. P

