--------- ***Azalea’s POV*** - Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang naglalakad ako sa gitna ng taniman ng mga bulaklak, papunta sa batis—ang paborito kong lugar sa buong farm. Tahimik ang paligid. Umagang-umaga pa lang. Ang liwanag ng araw ay unti-unting sumusungaw mula sa silangan, at ang hangin ay may dalang bango ng damo, bulaklak, at bagong pag-asa. Sa bawat hakbang ko papalapit sa dulo ng aisle, ramdam ko ang t*bok ng puso ko—mabilis, pero payapa. Hawak-hawak ko ang bouquet ng mga puting liryo. Sa harapan, nakatayo si Yashir, nakasuot ng puting barong, habang nakangiti. Sa mga mata niya, nandoon pa rin ang lalaking minahal ko noon—at hanggang ngayon. Hindi ko lubos akalain na darating pa ang araw na ito. Noon, nang inakala kong hindi ako minahal ni Yashir… noong

