------- ***Third Person's POV*** - Gusto na sanang sagutin agad ni Yashir ang tanong ni Azalea. Ngunit sinabi ng babae na pag-iisipan muna niya ito. Pero para kay Yashir, wala na siyang kailangang pag-isipan pa—mula’t simula, sigurado na siya sa desisyon niya. Mula nang bumalik siya sa San Martin, iisa lamang ang desisyong buo na sa puso't isip niya at paninindigan niya ito—ang makasama muli si Azalea, anuman ang mangyari. Kaya ngayong gabi na ito, patutunayan niya kay Azalea na totoo ang lahat ng sinabi niya.Kaya inihanda niya ang isang malaking sorpresa—isang marriage proposal. Hindi nagbibiro ang daddy niya. Totoo ang sinabi nito—gumawa ito ng paraan upang ma-annul ang kasal nila ni Azalea. Kaya ngayon, gusto niyang pakasalan muli si Azalea. Isang kasal na nararapat para dito. Kat

