-------- ***Third Person’s POV*** - Tahimik si Yashir habang nakaupo sa gilid ng consultation desk ni Dr. Claudia. Nasa loob na ng examination room si Azalea para sa physical assessment. Nagpasalamat siya sa desisyon ni Azalea na subukan muli ang treatment—hindi para sa kanya, kundi para sa sarili nito. Para maibalik ang kumpiyansa nito sa sarili. At dahil si Tita Claudia ang dating doktor ni Azalea, at may mas malalim na kaalaman sa kondisyon nito, siya pa rin ang piniling gynecologist ni Azalea. “Yashir,” mahinahong bungad ni Dr. Claudia, “apat na taon na ang lumipas mula noong una naming na-diagnose si Azalea.” Tumango si Yashir. “Alam ko na po.” “Pero hindi mo alam ang buong saklaw ng nangyari noon,” dagdag ni Dr. Claudia, habang dahan-dahang isinara ang folder sa mesa. “Ako ang

