Pangalawang Kabanata

1776 Words
mar.grc (Ang patuloy na pag-aalaga ni lola sa kaniyang anak at apo) Umupo ako sa kamang hinihigaan ni mama sa sandaling nakapasok ako dito. "Tuloy mo na po 'yung kwento." nagagalak na sabi ko. Tumango ang mama ko at tumahimik muna bago nagsimulang magkuwento. "Hindi dito nagtatapos ang mga kababalaghan sa bahay ni Lola Gemma , dahil isang gabing madilim noon nagtaka ang mga tao dahil nakita nilang naglalakad at nakaakyat sa ikalawang palapag ng bahay ang apo nitong si Soraya na bulag kung gabi dahil sa isang kundisyon noong araw na tinatawag nilang matang manok." pagsimula niya sa kwento. "Kaano-ano niyo po si Soraya?" tanong ko. "Pamangkin ko" sagot ni mama. "Ano po 'yung matang manok?" nagtatakang tanong ko pa. "Nakakakita sa araw at bulag kung gabi." sagot ni mama. Tumango na lang ako at pinakinggan ang pagpatuloy niya sa kwento. "Nang tanungin nila ang bata, ang sabi niya ay "Inakay po ako ni lola" na dahilan upang kinilabutan ang lahat ng nakakita. " pagpapatuloy niya sa kwento. "Mabait po pala si lola" saad ko. Tumango ang mama ko at patuloy na kinuwento pa ang ibang nangyari.  "Kaugnay pa rin ng pangyayaring ito, gabi-gabi ay nagtatahulan ang mga aso na tila may kinatatakutan malapit sa bahay ni lola. "Marahil ay patuloy kang inaalagaan ng nanay mo." sabi kay nanay ng isang kapit-bahay dahil mula ng mamatay si lola ay hindi na halos matigil si lolo sa bahay at naiwang nag iisa si nanay sa bahay na bagamat may mga kapatid ay may kanya kanya na ring buhay at pamilya. " pagtatapos niya sa kuwento. Hindi ko namalayang nakatulog na ako kaya hindi ko na alam ang susunod na mga nangyari. Isang hapon, naiasipan kong puntahan ang mga pinsan ko upang makipaglaro sa kanila. "Hoy! Tara laro" pagyayaya ng isa kong pinsan. Sumunod ako sa kaniya at nakita namin ang iba ko pang pinsan at ibang kalaro namin. "Nakakatakot kwento ni tita nung isang araw, ano?" sabi ng isa kong pinsan. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon at tsaka kami nagsimulang maglaro. Nang matapos kaming maglaro, niyaya ako ng pinsan ko na makinig ulit sa kuwento ni mama. "Gusto kong malaman 'yung mga sunod na nangyari sa kwento ni tita." saad niya. "Tara punta tayo sa inyo" pagyaya niya sa akin. "Baka may ginagawa si mama." ani ko habang nagkakamot ng ulo. "Tignan lang natin, kung meron edi uwi na lang kami." pagsabat ng isa naming kalaro. Wala na akong nagawa kaya pumayag na lang ako. Pag-uwi ko kasama ang mga pinsan at ilang kalaro ko, nakita namin si mama na nagtatype sa laptop niya. "Sabi ko sa inyo may ginagawa si mama eh" sabi ko sa kanila habang binubuksan ang gate. Nang makapasok na kami, agad akong pumunta sa loob para uminom ng tubig. Narinig ko ang sabi ng isa kong pinsan kay mama. "Tita, pwede niyo po bang ituloy 'yungkuwento niyo noong isang araw?" galak na tanong niya. Nagulat ako nang biglang ibinaba ni mama ang laptop at pinatay ito. Lumapit ako at bumungad sa akin ang mga pinsan kong nakaupo na. "Saan na ba tayo?" tanong sa akin ni mama. "Yung kay Soraya po." sagot ko at biglang nagsimula na magkuwento si mama. "Lumipas ang mga araw, buwan at taon bagamat madalang nang magparamdam sa bahay si lola ay naroon parin ang takot ng mga ilang kapitbahay at magdaraan sa tapat nito. Marami ang nagsasabing ipagdasal ang kaluluwa ni lola o kaya ay panatilihing may tao ito upang manahimik na at pumunta sa dapat niyang puntahan si lola. Ginawa ni lolo ang gusto ng mga kapit-bahay dahil isang araw ay nag asawa itong muli at itinira sa bahay, sa simula naging maayos ang bahay dahil tunay na maayos at malinis sa bahay ang pangalawang asawa ni lolo maliban sa isa, pinagmamalupitan nito si nanay." pagsimula niya sa kuwento. Gulat lang ang mga nakikinig at seryosong nakikinig sa kinukuwento ni mama. Tahimik lang sila at nakikinig lang, sa mga mukha nila makikita ang reaksyon nila. "Ayon kay nanay kapag wala si lolo ay sobrang pang- aapi ang dinaranas nito sa pangalawang asawa ni lolo naroroong paluin siya ng sandik, patpat, walis, tingting o kahit anong bagay kahit wala naman siyang ginagawang kasalanan. May mga pangyayari ding isinusubsob siya sa basahan at itinutulak sa hagdan. Kapag naman hindi maayos ang paglalaba nito isa-isang inihahampas sa kanya ang nilabhang damit." pagpatuloy ni mama. "Kawawa naman po pala si lola" naaawang reaksyon ng pinsan ko. "Dahil bata pa, walang magawa si nanay noon kundi ang umiyak at pumunta sa sementeryo upang magsumbong kay lola sa kalupitan ng kanyang madrasta. Takot itong magsumbong kay lolo noon dahil tinatakot siya ng madrasta niya na papatayin si lolo kapag isinumbong siya kaya puntod na lamang ni lola ang naging sumbungan niya." dagdag pa niya. Kitang-kita sa mga mukha ng mga taga pakinig na sila ay awang-awa kay lola.  "Isang araw tila dininig ni lola ang mga sumbong ni nanay dahil isang gabing natutulog sila ay biglang nakarinig ang madrasta nito ng mga ingay na tila galit sa kusina ang mga kaldero at kaserola ay tumutunog mula sa mahihinang tunog ay papalakas ito na tila may galit ang gumagawa. Paggising nina nanay ay nagkalat ang mga gamit sa kusina. "Mga pusa lng iyan" ang sabi ni lolo na noon ay bagong dating."Tinatakot mo lamang ang sarili mo" dagdag pa nito. Agad na pinang dilatan ng mga mata ng madrasta niya si nanay dahilan upang magwalang kibo n lamang ito." Pagtatapos niya sa kuwento. "Bukas ko na itutuloy at may mga kailangan pa akong gawin." saad ni mama bago kuhanin ang laptop at dumiretso sa kwarto nila ni papa.  "Grabe pala nangyari kay lola noon." naawang sabi nila. Kinabukasan, maagang nagpunta ang mga pinsan ko upang  makinig sa kwento ni mama. "Ano na pong sunod na nangyari, tita?" tanong ng isa kong pinsan habang nakaupo sa may papag. "Ito ang sunod na mga pangyayari." saad ni mama bago mag kuwento. Ang iba ay natuwa at ang iba naman ay natatakot agad.  "Gabi-gabing kinakalampag ng mga galit na ingay ang bahay kaya hindi makapagtutulog ang madrasta ni nanay. Isang madaling araw naman, pinakuha ng madrasta niya si nanay ng inumin. Dahil takot at hindi makababa, ayaw daw sumunod ni nanay dahil sa antik kaya kinaladkad ito ng madrasta at itinulak sa hagdan. Nang siya ay mahulog, laking gulat ng madrasta nang makitang hindi nasaktan si nanay at tila may sumali sa kaniya sa hangin. Takot na takot daw ang madrasta ni nanay at agad na pinilit si lolo na lumipat ng bahay." kuwento niya sa amin. "Mapagmahal po talaga si lola." reaksyon ng pinsan ko. "Salbahe naman po 'yung madrasta na iyon." sabi pa ng isa kong pinsan. Ang ibang nakikinig ay hindi nagrereact ngunit sila ay nakikinig nang maayos.  "Isang gabi, habang pababa ng hagdanan ang madrasta ni nanay ay nakakita naman ito ng isang napakalaking pusang itim sa ibaba ng hagdanan dahilan upang muling matakot ito at magsisigaw. "Sinasabi ko sayo may mga multo at maligno sa bahay na ito!" sigaw ng madrasta ni nanay. Dahil sa pangyayaring iyon, agad na nagpagawa ng bahay si lolo ng bahay si lolo na malayo sa lugar na dating bahay nila nanay." tumigil saglit si mama sa pagkukuwento at nanghingi ng tubig. "Pahingi muna ng tubig at nawawalan na ako ng laway." utos niya na ikinatawa ng iba kong pinsan. Tumayo ako sa loob papuntang kusina at kumuha ng malamig na tubig. Agad akong lumabas at ibinigay ito kay mama. Nang matapos siyang uminom, pinagpatuloy niya na ang kaniyang kinukuwento "Nakalipat na sila at akala nila tatahimik na ang buhay nila, hindi ba?" tanong ni mama. "Opo" sagot ng mga nakikinig. "Mali sila ng akala dahil isang umaga bago nila linasin ang bahay, isa na namng kababalaghan ang naganap. Nagising kasi sila lolo na may nabantay at nakatunghay na malaking ahas sa tulugan nila. "Aalis na nga kami!" takot na sigaw ng madrasta ni nanay. Dahil sa kaniyang sigaw, bigla na lamang nawala ang ahas. Hindi pa man ganoong tapos na tapos ang bahay na pinapagawa nila lolo na lilipatan nila ay tinirhan na nila ito. Hindi nila isinama si nanay dahil sa paniniwala ng madrasta nito na ito ang may dala ng mga multo at maligno." "Napaka salbahe talaga nung madrasta, sabi ko naman sa iyo eh." sabi ng isa kong pinsan sa akin. "Halata naman" pamimilosopo ko sa kaniya sabay tumawa. "Naiwan na namang nag-iisa sa bahay ni lola si nanay. Nabubuhay lamang ito sa pamamagitan ng halilinang pagkain sa bahay ng mga kapatid at radyon ni lolo. Muli na namang natakot ang mga kapitbahay sa bahay ni lola Gemma dahil sa mga kwento ng madrasta ni nanay. Dahil nag-iisa, gabi-gabi raw umiiyak si nanay. Naririnig ito ng mga kapit-bahay kaya sila ay labis na kinilabutan. "Ano ba nama 'yang batang iyan?" naiinis na sabi ng isang kapitbahay. "Hayaan na lnag natin at baka tayo pa ang balingan ng multo pag sinaway natin." pabirong sabi ng isa pa. "Nagtataka ako, paanong nakakapag isa ang batang iyan? Baka nga totoo na inaalagaan siya ng nanay niyang namatay." sabad naman ng isa. Halos magkatakot na rin daw kay nanay ang mga tao sa lugar nila." nagulat kami nang bigla nang tumayo si mama upang magluto ng aming tanghalian. "Kakain ba kayo dito at ikukuwento ko ang sunod na pangyayari mamaya?" tanong ni mama sa aking mga pinsan. Nang makita nila na magluluto si mama ng mga hotdog at mga itlog ay umoo agad sila. Pagkatapos ni mama magluto, kaming lahat ay kumain na at itinuloy na ni mama ang kuwento niya habang kami ay nakaupo sa hapag kainan. "Lumipas muli ang mga araw, nakasanayan na rin ni nanay ang gayong sitwasyon sa buhay niya. Nakakatulog na din siya nang hindi umiiyak bagamat nag-iisa  ay hindi na siya nalulungkot dahil naniniwala siya na binabantayan naman siya ni lola Gemma." "Normal po bang iwan ang bata na mamuhay mag-isa?" nagtatakang tanong ko. "Hindi, hindi man normal na namumuhay ng mag isa si nanay noong kabataan niya, nagawa naman niyang normal ang kaniyang paglaki dahil nakapag-aral naman siya at nakapaglaro sa mga batang kasing edad niya." sagot ni mama. Tango-tango naman ang aking mga pinsan na tiyak ay natutuwa. "Pero alam niyo bang hindi naging madali ang paglalaro niya? Minsan na siyang pinaiyak ng isa niyang kalaro.  "Isusumbong ko kay nanay Gemma ang ginawa mo sa akin!" banta ni nanay sa batang nagpaiyak sa kaniya. Nagkasakit naman daw ang batang nagpaiyak sa kaniya dahil sa takot na maisumbong kay lola Gemma. Mula noon, wala ng bata ang sinubukang awayin si nanay dahil takot silang maisumbong kay lola Gemma."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD