Hindi ko inakala sa ilang mga pagkakataon ay magpapakita si Ana sa mismong selebrasyon ng aking debut. Hindi ko alam kung ngingiti ako, o ngingiwi at magsasabaliwa sa mga nangyari noong nakaraang linggo.
Alam niya yatang importante ang araw na 'to... Importante rin kaya sa kanya 'to? Kasi kung hindi... Bakit siya pumunta rito?
"I could see the flowers bloom and faded right away~~" wala sa tonong kanta ni Bell.
Napalunok ako, hindi dahil sa takot o pangamba. Napalunok ako dahil akala ko isang masayang selebrasyon ang mangyayari ngayong gabi.
B-bakit kaya...?
"Let's go..." Hila ni Jingle.
Nanginginig ako sa hiya, sa mga makahulugang titigan ng mga bisita at sa takot noong nakita ko kung paanong sumusunod ang mga mata ni Mama sa bulto ni Ana.
Nasasaktan din ba siya? Si Mama oo pero nasasaktan din kaya siya sa tuwing nakikita niya akong nasasaktan?
Sino bang niloko ko?
Imposible na yata... Napakaimposible na talaga.
"Ang sama no'ng Nanay mo 'no? Sadista e..." Asar na wika ni Bell habang kumukuha ng salad mula sa kusina namin.
"Bakit? Dapat ba akong maging mabait... Sa... Sa..."
Nalaglag ang panga ko sa mga duro ni Ana. Si Bell nama'y nanigas ng tuluyan. Ramdam ko ang takot at hiya niya sa nangyari.
Nangangatal ako sa kaba, pakiramdam ko puro hanging malalamig na lang iyong dumudulay sa bou kong katawan.
"Mga inutil!! Lumabas kayo!"
Dagundong sa aking pandinig ang mga mura't utos ni Ana.
Katakot-takot na titig ang ibinigay sa akin ni Jingle bago nito hinila si Bell na halos mangiyak-ngiyak na.
"Kaya pala ayaw magpadala ni Mommy dahil sa lecheng debut mo na 'to!" Sigaw nito at halos nanginginig habang kuyom ang isang kamay sa ibabaw ng mesa.
Hindi ako nakaimik. Hindi ko naman alam kung ano ang pinag-usapan nila. At lalong wala akong kinalaman doon.
"H-ho----"
"Wag kang magmaang-maangan ha! Puro kamalasan talaga iyang dala mo e! Bakit pa nga ba binuhay kita?! Sana noon pa lang ipinalaglag na kita!"
Nanikip ang dibdib ko sa talas ng mga salitang binatawan niya. Hindi ako nakaimik sa sakit na dumaloy mula sa isipa't patungo sa kaibuturan ng aking puso.
N-nanay ko ba talaga siya? Bakit----?
"Ana!"
Isang malakas na lagapak ang nagpagilalas sa aming pareho. Malakas iyon, katunog ng nagbabanggaang sasakyan. Namula rin kaagad ang sapong pisngi ni Ana.
"Sobra-sobra na iyang ginagawa mo, Ana! Parang hindi ka tao! Ganyan ba kita pinalaki, ha?! Lumayas ka rito kung ayaw mong kaladkarin kita pauwi sa impyerno mong buhay!"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa hindi ko mapangalanang sakit na dumaloy sa bou kong katawan. Hindi ako nakaimik, ganoon din sa Ana na nanlalaki ang mga mata.
"Fine! Sige piliin mo iyang tsanak na apo mo!"
"Ana!"
Ngunit dabog at mabilis na pag-alis nito ang naging sagot kay Mama.
Nanginig ako, habang tinitingnan si Mama na nakatanaw sa nilabasan ni Ana.
Anong... Anong ibig sabihin nito?
"Anya..."
Isang ilang lamang ang naging sagot ko sa tawag ni Mama. Ayaw kong umiyak, tama na iyon. Nakakapagod pala.
Hindi ko mawari kung tama pa bang ipagpatuloy ko itong selebrasyon gayong boung gabi lang akong nagmumukmok sa tabi kung hindi naman kinakausap ng mga bisita. Para bang nakikiayon na lamang ako sa sitwasyon para lang masabing hindi nasira ni Ana ang gabi ko.
"Hoy? Okay ka lang?" Malumanay na tanong ni Jingle habang umiinom ng juice.
Ngumiti ako, nagkatinginan silang dalawa ni Bell na mukhang ayaw na ring magdugtong ng kung ano.
Hinanap ko si Mama at naroon ito sa mga kaibigan habang nakasulyap din sa akin. Napalunok ako sa pangamba at pinilit na ngumiti. Dapat hindi ganito... Pero bakit naman sa dinami dami ng pagkakataon ngayon pa sinira ni Ana ang araw ko?
"Anya!!! Happy Birthday!" Gilalas ako noong nakaamoy ng alak sa paligid. Amoy na masyadong malakas kaya alam kong lasing ang isang 'to.
At lalo akong nagilalas noong nakita kong magkasama sila ni Andres.
"Happy Birthday Anya," ngiti nito at nag abot ng isang paper bag, ganoon din si Garfie.
Natulala ako sandaki ngunit tinanggap ko naman ang dalawang iyon.
"Salamat po."
Natawa si Garfie at tinapik sa balikat si Andres na para bang may nakakatawa.
"Kumain po muna... K-kayo."biglang kaba ko noong napasulyap ako kay Andres na nakatitig pala sa akin.
Bakit ganoon ito makatitig? Nakakailang... Mas lalo ko lang tuloy naaalala ang nangyari no'ng nagdaang linggo.
Kahit pinipilit kong kalimutan iyon at maging normal.
Sinamahan ko sila sa harapan para kumuha ng makakain. Sinamahan din ako ng dalawa kong kaibigan. Na ewan ko kung bakit natahimik.
"Oy, Andres. Kailan ka lang umuwi?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Mama nang lumapit ito sa mga pagkain na naroon.
Tumawa si Andres at sinabing matagal-tagal na rin. Marami pa silang pinag-usapan kaya nakapokus ang mga mata ko sa bawat pagkaing sinasandok nila. Para sana'y magbigay ng tulong kung ano pa ang kailangan.
Isang tawag ang nagpalingon sa akin, si Jingle na agad na bumulong sa akin.
"Anya, sino yan? Bakit ang gwapo?" Mahinang tanong nito.
Agad akong ginapangan ng hiya. Grabi naman! Walang pinipiling lugar.
Ngumiti ako na parang naiilang. Hindi ko pa nga pala sila napapakilala. Sumenyas na lang ako na mamaya na lang pagkatapos ng dalawa.
Tawa ng tawa si Garfie na alam ko na agad na tinamaan talaga. Mukhang may dinaanan itong dalawa. Ngunit si Andres, mukhang nasa maayos na estado naman ito.
Pinaupo ko ang dalawa sa pwestong malapit kay Mama. Waka roon si Mama, marahil pumasok sandali sa loob. Mga kaibigan lang nito ang naroon at madalas ay kilala si Andres.
"Uhm, mga kaibigan ko po pala. Si Jingle saka si Bell. Sina Garfie tsaka Andres." Turo ko isa-isa,
Natawa si Garfie, "Andres?" Tawa nito ulit.
Parang nahiya naman ako noong narealize kung ano ang ibig sabihin ng mga tawa niya.
Parang gusto kong lumubog sa hiya, pero nasabi ko na e.
"A-ah, tito Andres."
Mas lalong lumagapak ang tawa ni Garfie, na halos maramdaman ko na ang tilamsik ng mga kung anong pagkain patungo sa amin.
Sinulyapan ko si Andres na ngumingiti lang at hindi nagkomento.
Sina Jingle nama'y bahagyang nalilito. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nila ngunit sa tingin ko'y hindi naman iyon sa kung anong iniisip ko ngayon.
"Ah, kasi... Ex siya ni Ana?" Hindi na ako magkandatuto sa pag explain.
Bahagyang natigil ang tawa ni Garfie, medyo natahimik na rin. Kumain itong muli na para bang walang nangyari.
"Drei na lang, Anya." Maya'y wika nito. Napalunok ako bago tumango.
'Drei', ganoon ba?
Tumayo ako at nagpaalam sa apat para puntahan si Mama na masyado na yatang nagtatagal sa loob.
Nadatnan ko naman itong nag-aayos ng ilang gamit at kinakausap si Ate Lita na siyang binayaran niya para maghugas ng mga pinagkainan.
"Ewan ko nga ba kung bakit hanggang ngayon ganoon pa rin iyon..." Wika nito at nilingon ako na nasa pintuan ng kusina.
Ngumiti ako at nilapitan sila.
"Anya, dalagang-dalaga ka na nga talaga. Ang gandang-ganda mong bata." Wika ni Ate Lita habang nagpupunas ng utensils.
Ngumiti ako at bahagyang nahiya, "Salamat po,"
"Dapat pala e bakuran mo na ito, Alicia..." Ngiti nito, napapangiti na lang din ako.
At sinabi ni Mama, "Hindi na kailangan, kilala ko si Anya... Di niya ako susuwayin." Na sakto sa iniisip ko. Kasi ayaw kong maging katulad ni Ana... Na handang suwayin si Mama at iwan ako.
Bumalik ako kalaunan sa harap ng bahay ng napagtantong magtatagal si Mama sa kusina. Alam ko namang babalik din naman agad siya, at higit sa lahat mas kailangan ako ng kaibigan ko roon.
"Ah?" Manghang wika ko ng makita ang walong bote ng tanduay ice na nasa mesa na no'ng apat. Sino kaya... Sa tatlo sino kaya ang bumili niyan?
"Oyyy... Birthday celebrant. Tagay!" Lasing na wika ni Garfie.
Natawa na lang ako at umiling.
"Sus, Anya... Di nakakalasing yan." Irap ni Jingle at tumungga ng isa.
Lumingon ako sa paligid. May ilang nag-uusap, pero halos may ilang mesa na rin ang umiinom ng alak.
Nagkibit balikat ako at tumabi kay Bell, sa kabila ko nama'y si An---- 'Drei'.
"Isa?" Alok nito. Naiilang na tinanggap ko iyon.
"Ewwww..." Tawang-tawang wika ni Jingle at muling tumungga, "Nakaya mo yon?" Tanong nito kay Garfie, mas lalong nagpabida ang huli kaya tawang-tawa ang mga kaibigan ko.
Pinaglalaruan ko naman yong hawak kong bote, at natigil lang no'ng may humawak noon.
"Ako na..." Mahinang wika niya at kinuha sa pagkakahawak ko yong bote. At yon pala'y bubuksan nito!
Wala naman sana akong balak na uminom ngayon dahil sa tingin ko tama na yong isang linggo na sinuway ko si Mama. Though, hindi naman masama ito dahil sa tingin ko less alcohol ito.
"Have a little." Ngiti niya.
Tumango ako... Pero nag-aalangan talaga ako e. Paano pag nagalit----
"Ito pa... Ipinabili ko kay Mando para sa inyo." Wika ni Mama na siyang ikinalaki ng mga mata ko.
Si Mama talaga, napakakonsentidera. Sa halip na magalit ay dinagdagan pa iyong inumin.
Nagwala tuloy si Jingle sa sobrang tuwa. Isang case ba naman? Ngunit di na masama gayong alam naming hindi naman kami malalasing noon.
Panay ang tungga nina Bell samantalang ako hindi ko pa maubos-ubos itong hawak kong bote.
"Cr lang ako..." Paalam ko sa apat. Tumango naman sila.
Naglakad ako patungo sa loob ngunit nang nakarating doon, naabutan naman ako na may tao. Kaya umikot naman ako sa likod para doon umihi.
Napahinga ako ng maluwag ng matapos at sa halip na bumalik kaagad, naisipan kong maupo sa ilalim ng punong mangga.
Napahinga ako ng malalim habang nakaupo sa papag. Naipikit ko iyong mata ko sa pag-aakalang makakalimutan ko ang mga sinabi ni Ana.
Mas lalo pa yata akong nasaktan dahil doon.
Mananatiling sugat iyon... Sugat na nagturo sa akin na wag ko na lang ipilit ang sarili kay Ana.
"Are you sad? Or you're really sad..."
Napasinghap ako noong narinig ang malalim ngunit malamig na boses sa gabing iyon.
"D-drei..." Kinabahang wika ko.
Nakatayo siya, ni hindi man lang nagpumilit na maupo doon sa bakanteng nasa tabi ko.
"Birthday mo... Pero bakit malungkot ka?" Ulit nito sa ibang aspetong tanong.
Isang lunok ang naging ganti ko sa tanong niya. At hindi ko alam kung tama iyong nakita kong sumilip na ngiti sa labi niya, ngunit sa gabing yon. Habang nakatayo siya sa harap ko at ako na nakatingala sa kanya... Ay natikman ko ang unang halik na siyang nagpalaki sa aking mga mata.
Shit?! Ano yon?!
B-bakit ganoon? Bakit ginawa niya yon... Kung sana hindi sinasadyang halik iyon na pwede ko lang baliwalain. Di sana'y kinaumagahan hindi ako lutang habang inaalala kung paano gumalaw ang labi niya...
Shit... Bakit nangyari yong kagabi?
Napagtanto kong... Hindi lang bastang lalaki si Andres... Pakiramdam ko iba ang... Ang habol nito sa akin.