18

1539 Words
Siguro nahanap ko kay Andres ang kulang na hinahanap ko kay Ana noon. Dahil kay Andres nakalimutan ko si Ana... Masaya ako, na hindi ko nahanap kailanman kay Ana. Kanina pa ako gising habang nakayakap sa aking likod si Andres. Nakadantay pa ang labi niya sa balikat ko habang mahinahon ang paghinga niya. Napagod ako, napagod din naman siya. Hindi lang kasi isang beses naming ginawa iyon kundi sa sobrang antok at pagkadarang ko sa pangyayari, nakalimutan ko nang alalahanin kung ilang ulit nga talaga... Para ngang dinuduyan ako sa pagod. "She's really okay... Hindi naman nagkaka-allergy and as I can hear... Her heartbeats too is okay." Tumango kami ni Andres at binili ang pills at vitamins na niresita ng Doctor. Nahihiya ako, ngunit mas nakakahiya naman para kay Mama kung mabubuntis ako ng maaga. Mas maagap na ito kesa sa abortion. At hindi ko kailanman naiisip iyon kung sakali ngang mabuntis ako. "You okay?" Gagap niya sa balikat ko sabay halik doon. Tumango ako at tiningnan bawat isa ang mga tablets at pads na nasa mesa niya. Tanghaling tapat at hindi pa rin ako nakakauwi sa amin. Nagpaalam naman ako kay Mama. At alam ko namang hindi magagalit ang isang yon. "You look so down..." Sabay haplos niya sa balikat ko. Napahinga ako ng malalim... Paano naman ako hindi mada-down nang dahil sa kanya? Sakto ba namang balitaan niya akong aalis at magbabarko siya sa susunod na buwan?! Parang nangapa ako sa dilim pagkatapos niyang magpaalam. Ni hindi man lang ako sinabihan nang mas maaga. O nagpaalam man lang sana siya noong nakaraang buwan pa. Di sana'y di ako nalulungkot ng ganito. "I am planning to retire after this sail." Bulong niya kalaunan. Napatingin ako sa kanya. Yong ngiti niya, nakakahawa... Napangiti na lang din ako... At hinalik-halikan siya sa labi... Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pag nawala siya sa akin. Siguro mababaliw ako. Masyado na akong naging dependent sa kanya para alalahanin pa kung ano ang mangyayari sa akin pag iniwan niya ako. "I-I love you, Drei." Sabay sipsip sa ibabang labi niya. Ayan tuloy! Dahil sa pagiging agresibo ko nauwi kami sa pangalawang palapag ng bahay niya at doon na naman nawala sa sarili... Kinahapunan na tuloy ako nakauwi sa amin... Na saktong nadatnan ko si Acey na nanonood ng panghapong palabas sa telebisyon. "Si Mama?" Tanong ko pagkatabi sa kanya. Pakiramdam ko nananakit ang bou kong katawan. Nilapag ko na lang ang dalang maliit na bag sa tabi ko. "Nasa Store... Amoy lalaki ka." Napaawang ang labi ko at napalingon sa kanya. Ni hindi man lang siya lumingon sa akin. Seryoso pa ring nanonood ng tv habang yakap niya ang isa sa mga dispay na teddy bear ni Mama. "Magkasama kami ni Andres kaya siguro dumikit iyong amoy niya sa akin." Lunok ko. Lumingon siya at bahagyang ngumisi. Mas lalo tuloy napadami at sunod-sunod ang paglunok ko. "Yong amoy di galing sa perfume o sa damit mo... Sabi ko amoy lalaki ka... Sa balat mo, umaalsa." Napanganga tuloy ako sa sinasabi ng batang 'to. Parang ang dami niyang alam sa pisikal na mga bagay para sabihan ako ng matalinghagang nabanggit niya. "You smell s*x in short." Napakurap ako ng ilang beses sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang pangaralan ang batang 'to sa mga sinasabi niya... Pakiramdam ko eksperyinsado itong si Acey. "I-ikaw ba... Hindi na virg----" "Wala ka na do'n" walang galang na sagot nito bago umirap at tumayo para pumasok sa kusina. Naloloka ako! Gusto ko tuloy sabunutan ang sarili dahil sa inis ko kay Ana... Pare-pareho kaming hindi napalaki ng maayos ni Ana... Maswerte na lang ako dahil kay Mama ako lumaki at nagkaroon ng boyfriend sa tamang edad. Hindi menor de edad. At hindi sumubok noon. "We don't know what's her lifestyle in Manila, Anya. So we can't judge her for only having that conversation." Wika ni Andres. Nasa likod ako ng bahay, at nakaupo sa lilim ng puno. Kinausap ko si Andres sa cellphone tungkol doon sa nangyari kanina. Hindi ko na kasi alam kung paano ako magrereact. Kahit papa'no concern ako sa batang yon, kapatid ko pa rin naman siya. "Mababaliw yata ako sa batang yon..." Tumawa siya sa kabilang linya, iyong tawa na parang inaasar pa ako lalo. "I want you to get crazy only on me... And in bed." Nakagat ko tuloy ang labi ko sa sinasabi niya. "Drei..." "I wanna lick you, Anya..." Yong pakiramdam na namumula na ang pisngi ko sa mga binubulong niya, parang bula namang naglaho ng napatawa ako. Pakiramdam ko hindi si Andres itong kausap ko. Masyadong agresibo. "Anya... I'm serious." Ngunit napatawa na lang din ito tulad ko. "Let's date on Saturday..." Sabi niya pagkatapos ng mahaba naming usapan. Sa lamig ng panahon, ramdam ko ang pisngi ko na sumasabog sa pag-iinit. Nag-aaya kasi si Andres. "Goodbye Anya, I love you." Umakyat na ako pagkatapos naming mag-usap ni Andres. Nadatnan ko namang nakadapa si Acey sa kama at naglalaro sa phone niya. Tumabi ako at nilapad sa side table ang cellphone. Napalingon siya dahil sa presensya ko na naroon. "Tapos na kayo?" Taas kilay na tanong niya. Tumango ako. Tumango rin siya. Ngunit para nauupos ako ng sinabi niyang crush niya si Andres. Halos hindi ako makapaniwala kasi hindi ko naman nakikita ang pagiging interesado niya sa boyfriend ko. Masyado siyang malihim para sa isang katorse. "Anya... Crush lang iyon." Irap niya at muling dumapa. Ngunit hindi pa rin ako mapakali. "Acey... Pwede mong magustuhan ang ibang tao. Wag lang yong boyfriend ko." "Crush nga lang... Di ko naman aagawin, maliban na lang kung ayaw niya na sa'yo." Ngisi niya. Umiling ako at sinubukan ulit na baka pwedeng sa iba na lang siya magkagusto. "Alam mo. Wag nga tayo maging selfish. Crush nga lang... Crush lang. Sino ba namang hindi magkakagusto sa boyfriend mo? Bulag ka ba Anya? Nakita mo ba yong anyo ng Boyfriend mo? Swerte ka nga pwede mo siyang mahawakan anytime. Pero crush lang ipagkakait mo?" Irap niya. Sabay tayo sa kama at kumuha ng unan. "Kay Lola ako matutulog... Selfish mo din kasi." Tumahip ng sobrang malakas ang puso ko dahil sa sinabi niya. Selfish na ba talaga ako? Kahit na ang gusto ko lang naman ay wag niya akong gawing karibal niya? "Hindi ko gusto yon kaya sinabihan ko." Sabi ko habang tinitingnan ang orasan na pumapatak sa alas onse. Antok na ako, ngunit hindi ako pinapatulog ng kaba ko. "Anya, you should know by now that no one will change my heart for you." Napahinga na lang ako ng malalim. "If only we could get married." Napaaray ako ng nalaglag ang cellphone ko sa dibdib dahil sa bigla. Kasal? Agad? Ni hindi pa ako nakakapagtapos! "Maaga pa." Nanginginig na wika ko. "I know," tawa niya, "We're both not ready yet." Kinabukasan mas maagang nagising sa akin si Acey na nakaayos at bagong ligo. Na ikinabigla ko rin. "Sasama si Acey sa'yo, Anya. Aalis kasi ako mamaya kaya kayo muna ang magbantay ng Store." Tumango ako kay Mama bago umakyat sa itaas at muling bumaba para maligo. Naalala ko yong piniling dress ni Mama para sa akin noon. Na kasing kulay ng balat ko. Kaya halos malaglag ang panga ni Ate Ka at Girlie nang makita akong nakadress. "Anong meron, 'te? Ang hot mo diyan." Turo sa akin ni Girlie. Natawa lang ako at ipinakilala si Acey sa kanila. Walang kabuhay-buhay ang pagbati nito sa dalawa. Kaya nawalan din ng gana ang dalawa para sa kanya. "Matilda..." Ungot ni Ate Ka ng lumayo si Acey papunta sa isang section. Tumango lang ako bilang ganti kay Ate Ka at hindi na nagkomento pa kasi alam ko naman kung anong ugali meron ang kapatid ko. Masyado ding inggitera. Alam ko, dahil sakto ang dating ni Andres ng bumalik siya. Hindi ko alam kung maiinis ako sa ngisi niya habang nakatitig kay Andres. Hindi siya kilala ni Andres sa mukha, ngunit kilala naman siya ni Acey. "Anong meron?" Tanong niya ng masulo namin ang isang table na naroon. Nakatago sa counter kaya di ako nahihiyang nakahilig kay Andres habang tinitingnan ang kalsada sa labas. "Ang alin?" Takang tanong ko. "You, wearing a sexy dress..." Sabay hagod niya sa bukas kong likod kaya napatalon ako sa gulat. Para namang napapaso ang balat ko... Na parang tumindi ang pagiging sensitibo nito. "Bakit?" Tawa niya sabay hagod ulit sa likod ko kaya napapatalon talaga ako mula sa pagkakaupo. "Bakit nga?" Kurot niya sa likod ko. "D-drei..." Saway ko sabay tampal sa kamay niyang mas lalo akong tinutukso. "I am asking you, Anya." Sabay daos-daos niya pababa, malapit sa pang-upo ko. "T-tigil na nga! Nasa store tayo, Drei." Irap ko. Lalo tuloy siyang napatawa. "I bet, you're aroused." Tinampal ko ulit iyong braso niya. Hindi naman ako nahohorny ngayon pero talagang nagiging sensitibo ang likod ko sa pagdikit ng kamay niya. "Hindi ko nga alam pero hindi naman ako nag-iinit, Drei." Tumawa siya at tinigilan ang paghaplos sa likod ko sabay hawak sa kamay ko. "Nag-iinit... Hm... Hindi nga siguro." Sabay dukwang niya ng konti at mabilis at madiing humalik sa pisngi ko. Muntik pa akong napausog dahil sa bilis ng ginawa niya. "I love you..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD