KINAUMAGAHAN, pagising ko ay kinalikot ko agad ang cellphone ko upang tignan kung may text ba si Nanay sa akin ngayong araw kasi 'yon uuwi. Nang tignan ko ang cellphone ko ay may text nga si Nanay. Pauwi na ako, Tori baka tanghali ay nariyan na ako Laman ng mensahe ni Nanay na agad ko namang ni-rep-la-yan. Sige, Nay mag-iingat po kayo sa biyahe Pagkatapos kong tumipa ay nagpasya na akong maligo para makapag almusal na ako sa baba gutom na gutom na kasi ako. Hindi na kasi ako nag atubiling kumain kagabi dahil sobrang nabusog naman ako sa naging tangahalian ko kahapon. Pagkatapos kong gumawi sa banyo ay nagbihis na ako at saka lumabas ng aking kwarto at bumaba. Nadatnan kong kumakain na sina Lola at Draven sa aming hapag at masaya na naman ang mga itong nagkukuwentuhan. "Good morning

