Nandito kami ngayon sa kubo at masayang nag ku-kwentohan kasama ko sina Emong, Nikka at Draven pinagsasalohan din namin ang nilutong binignit ni Nikka. "Tol, umiinom ka ba? Inom tayo rito mamayang gabi sa kubo," tanong ni Emong kay Draven. "Sige Tol," tugon naman ni Draven. Tamang pakikinig lang ako sa kanila dahil abala ako sa pagkain ang sarap na naman kasi ng luto ni Nikka. "Nakatikim ka na ba ng lambanog?" muling tanong ni Emong sa kanya. "Nakalimutan ko na ang lasa, e, pero umiinom ako niyan." Manginginom din pala itong si Draven? Hindi halata. "Ayos at pagkatapos nating uminom punta naman tayo sa bayan may sayawan doon baka sakaling dito mo pa mahanap ang forever mo." "Hoy, Emong tumahimik ka nga may sampung anak na iyang si Draven." Nikka. Ay p*tangina! Nabuga ko tuloy na

