KINAGABIHAN, napangiti ako ng makita ko ang kotse ni Draven na nakapark dito sa labas ng aming bahay. Akala ko hindi na siya pupunta rito sa amin. Excited akong pumasok ng bahay at kaagad na umakyat sa taas wala naman kasi akong mabungarang tao sa baba. And as usual ay nadatnan ko sina Lola at Draven na nag-uusap sa aming veranda lumapit agad ako sa kanila. "Hi, Lola!" nakangiting bati ko sabay halik sa pisngi ni Lola. "Tori, narito ka na pala." Hinaplos nito ang kanang pisngi ko. "Sige po, Lola mauuna na po ako at baka ulanin pa po ako sa daan," ani Draven sabay mano kay Lola. "Sige, Apo mag-iingat ka ha? At sana mabakante ka para makasama ka sa probinsiya." Kumunot naman agad ang noo ko dahil sa sinabi ni Lola. "Susubukan ko po, Lola pero hindi po ako makakapangako," tugon nam

