Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at puting kisame agad ang nakita ko. Agad na kumunot ang noo ko sabay palinga-linga sa paligid ko at mas lalo lamang kumunot ang noo ko nang makita ko si Sir Yasser na nakikipag-usap sa isang lalaking nurse sa paanan ko. Saglit lang ay lumabas na rin ang nurse na kinausap nito at ako naman ang tinignan niya nang makita niyang gising na ako ay dinaluhan niya agad ako. "How are you, Ms. T? May masakit pa ba sa'yo?" sunod-sunod niyang tanong sa nag-aalala niyang boses. "Nasaan ako? Ano bang nangyari sa akin?" balik tanong ko rin sa kaniya. Kahit na nakita ko na ang nurse na kinausap niya ay hindi pa rin rumirehistro sa utak ko kung nasaan talaga ako at kung ano ang nangyari sa akin. "I saw you earlier, na nakahandusay sa gitna ng daan at wala kan

