Gustong-gusto ko na lang mamatay ngayon dahil sa ginawang pag-iwan sa akin ni Tori. Ano pang saysay ng buhay ko kung hindi ko naman siya makakasama sa buong buhay ko? Alam kong labis ko siyang nasaktan pero ganun din ako dahil sa bawat salitang binitawan niya ay para 'yong kutsilyo na paulit-ulit na tinatarak ang puso ko. Pakiramdam ko ay nauubos ang dugo ko dahil nanghihina ako at wala na akong gustong gawin kundi ang mawala na lang. Ang sakit-sakit nakakamatay. Walang humpay sa pagtulo ang aking mga luha habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ng babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpatino sa tulad ko, ang babaeng alam kong iingatan at pakamamahalin ako but then, ako 'tong walang hiya na sinayang siya. I'm such an a**hole! Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay agad k

