Dahil dire-diretso akong lumabas ng museum ay huli na ng mapagtanto kong kausap ko pala kanina sina Rico at Charee nais ko pa sana silang hanapin ulit sa loob ang kaso ay tinawag na ako ni Sir Yasser. "Are you looking for Charee and Rico?" tanong nito sa akin. "Opo, Sir," turan ko. "They left already pero pinapasabi nila na pumunta ka raw sa bahay nila dahil may salo-salo roon," pahayag niya. "Ganun po ba? Hindi na lang po siguro, Sir may mga tatapusin pa po kasi akong trabaho sa office," turan ko. "You sure? You can do it tomorrow, isa pa marami naman kaming gagawa ng mga iyon," paniniyak pa sa akin ni Sir Yasser. "Opo, Sir okay lang po talaga text ko na lang po si Charee," muling turan ko, at sakto namang dumating na ang mga kasamahan namin kung kaya't umalis na rin agad kami. Pag

