Isa si Buddy Draven sa napiling pulis na idedestino sa may kalayuang lugar sa amin, pero hindi naman sila magtatagal doon malamang next month ay babalik na rin siya sa station namin. Ang kaso ay hindi ko lubos maisip kong bakit bigla na lamang ito hindi nagparamdam sa amin lalong-lalo na sa pinsan ng asawa kong si Tori Marie na siyang kasintahan niya. Ang alam namin ay maayos naman lahat ng pulis na ni re-shuffle dahil kung sakali mang merong problema ay nakakarating naman agad iyon sa aming station. Pati tuloy kami ng asawa ko ay nag-aalala sa kaniya may minsan pang muntik na kaming mag-away dahil sa kaniya, buntis pa naman kasi ang asawa ko kaya tinitiis ko na lamang ang pabago-bago ng mood niya. Wala rin akong natandaan na may ibinilin siya sa akin bago siya umalis at higit sa lahat

