Days moved into months. F**king three months hindi ko na alam kung saan ko hahagilapin si Draven sa buong tatlong buwan ay mukha akong tanga na nagpapadala sa kaniya ng mga mensahe at kung minsan ay tinatawagan ko pa ito kahit pa hindi niya naman ito sinasagot. Pumunta rin ako sa bahay nila pero wala pala rito ang mga magulang niya dahil nasa America ang mga ito, ang kapatid niya naman ay hindi alam ng mga katulong nila kung nasaan. Pumunta rin ako sa station nila pati si Rico ay naabala ko na rin para lang malaman ko kung nasaan siya pero maging sila ay hindi na ma kontak si Draven wala rin silang balita kung may nangyari bang masama sa kaniya. Punong-puno na ng sandamakmak na katanungan ang isip ko, araw-araw na rin akong kinakabahan dahil nag-aalala na ako sa kaniya baka kasi may nang

