Dumating ang araw ng pag-alis ni Draven at maya't-maya akong nagpapaalala sa kaniya na huwag na huwag siyang maghahanap ng ibang babae sa lugar kung saan siya idinestino. May kalayuan kasi ito at halos apat na oras pa ang biyahe kaya hindi ko siya agad-agad mapupuntahan dahil may shop din akong kailangan asikasuhin. May lungkot at kaba man sa puso ko ay pilit ko lamang kinukumbinsi ang aking sarilli na huwag mag-isip nang kung anu-ano tungkol kay Draven. Inalis ko rin ang anumang duda sa puso ko at isinaisip ko na lamang na mahal na mahal ako ni Draven at tutuparin niya ang sinabi niyang babalik siya. At pinapangako ko rin na sa kaniyang pagbalik ay lalagay na kaming dalawa sa tahimik. Pero sa buong araw akong walang natanggap na text at tawag mula kay Draven ngunit inintindi ko iyon dah

