"Welcome home, Drianna!" masayang ani ni Mama Leticia sa natutulog niyang apo na kasalukuyang buhat-buhat niya. Finally, I gave birth to a beautiful and bouncing baby girl named Drianna Ramos De Mevius. Masakit at katakot-takot man ang naramdaman ko noong niluwal ko siya pero lahat ng mga 'yon ay napawi nang marinig ko ang iyak niya sa kauna-unahang pagkakataon lalo na noong masilayan ko ang napakaganda niyang mukha. Sa buong buhay ko ay saka pa lang ako nakaramdam ng takot. Takot na akong magkasakit, takot akong magkamali at higit sa lahat ay takot na akong mamamatay dahil nakita ko na ang tanging rason para mabuhay ako. Alam kong sa puntong ito ng aking buhay ay wala na akong ibang pagpipilian kundi maging matapang at matalino para sa anak namin ni Draven at pinapangako kong walang araw

