MATULING, lumipas ang mga araw buwan at taon ngayon ay apat na taon na kaming kasal ni Draven at apat na taon na rin ang anak naming si Drianna na habang lumalaki ay mas nagiging kamukha ko. Oo mas kamukha ko siya kaysa kay Draven pero pagdating naman sa ugali ay hati sa amin ng Tatay niya. Napalaki namin siya bilang magalang at mabait na bata kahit na minsan ay umaandar talaga ang pagiging sutil niya ito kasing si Draven masyadong sinospoiled si Drianna kapag may gustong ipabili sa kanya ay isang kiss lang ang katumbas niyon. "Ate, hindi pa po ba kayo tapos diyan? Tulungan ko na po kayo," tanong sa akin ng isang kawaksi namin. Kasalukuyan kasi akong nag ba-bake ng cookies para sa mag-ama ko favorite kasi nila itong meryenda. "Okay lang, patapos na rin naman ako rito pakihanda na lang

