Pinilit kong mag focus sa aking trabaho para magawa ko ito ng maayos kahit papaano naman ay panatag ang loob ko na si Draven ang magbabantay kay Lola. Kaagad ko ring tinext si Ate Nora na si Draven muna ang magbabantay kay Lola para makabalik na ito sa karinderya pati sina Nanay at ang kambal ay pinaalam ko rin ang nangyari kay Lola. Abot langit ang hiling ko ngayon na sana ay okay lang si Lola pagkatapos ko rito mamaya sa event ay doon na agad ako didiretso. Sa awa ng Diyos ay maayos naman naming na desinyohan ang buong venue at matagumpay ding natapos ang event. Mabuti na lang din ay pinauna na ako ng mga kasamahan ko para mapuntahan ko na agad si Lola. Pagkatapos kong magpasalamat sa kanila ay agad na akong lumabas ng hotel at nagpara na taxi binulalas ko agad sa driver ang pangalan n

