"Hi!" Agad na naputol ang pagtitig ko sa magandang mukha ni Tori ng biglang pumasok si Hazel pintuan. "Hello, Lola, Ate, Kuya!" bati nito sa amin isa-isa. "Hazel, mabuti naman at nandito ka na," masayang ani ni Tori sabay tayo mula sa kinauupuan niya. "Actually nag text ako sa'yo, Ate," wika ni Hazel at siya naman ngayon ang pumalit sa pwestong kinauupuan ni Tori. "Shut down na yata phone ko, Zel hindi kasi ako nakapagcharge mula kahapon," turan naman ni Tori. "I see... hi, Kuya Draven buti naman po at nandito kayo salamat po sa pagtulong kay Ate sa pagbantay kay Lola," pasalamat naman sa akin ng dilag. "Basta kayo walang problema sa akin," nakangiting turan ko sa kanya. Mahal ko ang pamilya ni Tori kaya kahit ano pa ang iutos nila sa akin ay ayos lang lalo na't bumabawi ako ngayon

