Payapa ang puso at isip ko ng magising ako dahil buong puso kong binigay kay Draven ang pinakainiingatan ko at alam kong tototohanin niya ang mga sinabi niya sa akin kagabi. At dahil nga sinuko ko sa kaniya ang p********e ko ay hapdi at sakit din sa katawan ang tinamo ko ngayong umaga. Sarap now, sakit later pala talaga kapag first time pero 'di bale na mahal ko naman siya. Sinikap kong tumungo sa banyo at naglinis ng katawan para kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam ko. Pagkatapos kong gumawi sa banyo ay nagtaka agad ako ng makita kong bukas ang sliding door ng kwarto niya na malapit sa terrace. Paano ako magbibihis ngayon nito?! "Morning, Baby love," nakangiting bati ni Draven sa akin ng pumasok siya. "Kamusta ang pakiramdam mo?" malambing niyang tanong sabay lapit sa akin.

