Tila may nawalang malaking bara sa puso ko habang binabagtas na namin ni Draven daan pauwi sa aming bahay. May kakaibang saya akong nadarama sa aking puso dahil sa ginawa kong pagpapatawad sa aking mahal na ama. "What's that smile for, Baby love?" tanong ni Draven na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Hindi ko man lang namalayang ngumingiti na pala ako sa kawalan. "Masaya lang ako, Boo dahil sa ginawa kong pagpapatawad kanina kay Tatay," turan ko habang nakangiti. "Thank you ulit, Boo," pasalamat ko ulit sa kaniya. "Basta para sa'yo, Baby love gagawin ko lahat," turan niya sabay kuha ng kaliwang kamay ko saka dinala sa labi niya at pinaulanan ng mga mumunting halik na nagpakilig naman agad sa puso ko. "Baby love, kain na lang tayo sa mall nagugutom na kasi, ako," wika niya habang hawa

