“So you’re telling me that my sister stayed in this shabby room, huh? f**k this. What kind of room is this?” Agad na nagtagpo ang aking dalawang kilay nang makarinig ng isang pamilyar na boses. Pasimple akong bumuntong hininga at mas lalo lamang ipinikit ang aking mga mata upang makaiwas sa kahit na anong interaksiyon sa lalaking iyon. Anon a naman bang ginagawa niya rito? Nalinaw ko na sa kaniya na ayaw kong sumama sa kaniya palabas. Dito lang ako. Hindi ako aalis at mas lalong hindi ako sasama sa isang estrangherong tulad niya. “What kind of place is this, huh? Masiyadong madilim! Wala man lamang bang bintana rito? If I closed the door, it would be too dark inside,” reklamo pa ng lalaki marahil sa kausap nitong nurse, Napaismid ako. Ano namang pakialam niya kung madilim dito sa l

