“Sigurado ka bang sasama ka roon sa lalaking sumundo sa ‘yo noong isang araw? Hindi ba’t sabi mo, hindi mo naman siya kapatid?” Nag-angat ako ng tingin nang magsalita ang nurse na kaaway ng lalaking iyon noong isang araw. Iniabot niya sa akin ang gamot para sa pampakalma na malugod ko namang tinanggap. Dati ay hindi ko pa iyon tinatanggap dahil ipinipilit ko na wala naman akong sakit kaya hindi ko na kailangan niyon, pero ngayon, nasanay na rin ako. Kailangan ko talaga ng pampakalma kahit papaano. Those medicines spared me from having a nightmare every night. Matapos makatakas ni Iris at nang maiwan akong mag-isa sa madilim na silid na iyon, palagi na akong nagkakaroon ng bangungot, tuluyang ipinapaalala sa akin kung anong nangyari noong gabing ‘iyon’. Noong masiyado nang malala ang

