Maliwanag. The whole place were too bright that I had to close my eyes for a second just to adjust. Hindi ko alam na ganito pala kaliwanag sa labas. Years of being inside that dark and eerie place pulled me out of the reality. Ganito pala sa labas. Walang imik akong sumunod sa lalaki. Hindi ko alam kung anong dapat kong itawag sa kaniya kaya’t hindi ko siya tinatawag sa kaniyang pangalan. Baka hindi siya sanay at mas lalo lamang na magalit sa akin kapag mali ang itinawag ko sa kaniya. At saka isa pa, mukhang hindi rin naman siya kumportable sa presensiya ko. Tulad ng sabi niya, ginagawa niya lang ang bagay na ito para sa ama niya at hindi dahil gusto niya akong makasama o makahalubilo. Kung totoo mang magkadugo kaming dalawa, alam kong matimndi ang galit niya sa akin para sabihin ang

