Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking mga ulo dahil sa laki ng mansion nang makapasok kami sa loob. Kung noon ay higit ang pagkamangha ko sa mansion ng mga Ongpauco noong unang punta ko roon, ngayon ay tila doble o triple na pagkamangha ang aking nararamdaman. Tila isang napakalaking bulwagan ng mansion pagkapasok sa loob. Halos walang tao roon kaya’t hindi ko maiwasang kabahan. Hindi ko alam kung wala ba talagang tao sa loob ng malaking mansion na iyon o mayroon ngunit hindi ko makita dahil sa raming pasikot-sikot sa buong bahay. Abala ako sa pagmamasid ng kabuuan ng bahay nang mapatigil ako sa paglalakad nang mapansin na tumigil na rin ang kasama kong lalaki sa paglalakad. Taka ko siyang tiningnan dahil sa ginawa niya. “Just go straight to this hallway. Sa pinakadulong kuw

