“Hindi ba si Harvey Aldana ‘yan? ‘Yong sikat na may-ari ng Aldana Holdings?” Agad akong napatigil sa paglalakad at kunot noong tiningnan ang mga babaeng nag-uusap sa hindi kalayuan. Nang mapansing nakatingin ako sa kaniya ay mabilis silang nag-iwas ng tingin kaya’t mas lalo akong nagtaka. Aldana Holdings? Ano ‘yon? Saka bakit nila kilala si Kuya? Sikat ba siya? “Riley.” Mabilis akong nag-angat ng tingin nang tawagin ako ni Kuya. Inayos ko ang suot kong sumbrero at agad na tumakbo palapit sa direksiyon niya para makahabol dahil sa bilis niyang maglakad. He frowned. “Why did you stopped? May pupuntahan pa ako pagkatapos kitang samahan.” Taka ko siyang tiningnan. “Hindi ba sabi ni Dad, magd-dinner tayo mamaya?” Bahagya siyang natigilan dahil sa sinabi ko at mukhang noon lamang niya naala

