“U-Uh, ayos na naman po ako. I was just uncomfortable with my hair kaya---“ “Nah, Dad.” Napatigil ako sa pagsasalita at sa halip ay napalabi na lamang nang putulin ni uh—Sir Harvey? --- ang sasabihin ko. “Lalabas ‘yan nang ganiyan ang buhok? I was planning on finally introducing her with my colleagues. Ayaw kong makita nila siya nang ganiyan ang ayos.” Hindi ko mapigilang mapaismid dahil sa sinabi niya ngunit hindi na ako kumontra pa. Para saan pa kung kokontrahin ko ang sinabi niya? Gagawin niya rin naman kung ano ang gusto niya. “All right. Riley, sumama ka muna sa Kuya mo mamaya. Sasamahan ka niya papunta sa salon.” “But Dad, I’m busy,” reklamo niya kaya’t muli kong kinagat ang aking ibabang labi. Ayaw ko rin naman siyang istorbohin, ano. “S-Sir, kaya k-ko naman po ang sarili ko,”

