“Balita ko ay pupunta raw kayo ng Kuya mo mamaya sa kumpanya, tama ba ako?” Wala sa sarili akong napatigil sa pag-kain nang magsalita si Dad. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya bago saglit na tinapunan ng tingin si Kuya na nakatingin din pala sa akin. I pursed my lips together as I slowly nod my head in return. “Gusto niya raw po na maging pamilyar ako roon kahit papaano,” tipid na sagot ko. Napatango naman si Dad dahil doon. “That’s good. Alam kong matuturuan ka ng Kuya mo tungkol sa negosyo,” sambit niya at nginitian ako. Kuya, on the other hand, scoffed. Napatingin naman kaming dalawa sa kaniya dahil sa ginawa niya. Umismid siyang muli at umayos ng pagkakaupo. “Dad, mukhang hindi naman interesado si Riley sa negosyo. Bakit kailangan niya pang maging pamilyar kung ayaw niya naman?

