“M-Mali ka,” mahinang sambit ni Mamang Ichi bago marahang umiling. “Imposible ‘yan, Riley. Impossible. .. “ I heaved a deep sigh as I looked down. “S-Sa kanila na po ako nakatira ngayon, Mamang.” Bahagya akong natigilan bago mas lalong yumuko upang hindi ko makatagpo ang kaniyang mga mata. “S-Sina Nanay at Tatay. . . h-hindi ko po sila tunay na magulang.” “Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo--- niyo ni Iverson. Hindi ako naniwala noong sinabi niya pero mas lalong hindi ako makapaniwala ngayong ikaw na mismo ang nagsabi. Imposible, Riley!” Malakas akong humikbi at sunod-sunod na umiling habang hawak pa rin ang kaniyang mga kamay. “Si Dad, Mamang. . . Iniwan niya ako kina Nanay at Tatay p-pagkatapos. . . pagkatapos mamatay ni Mom—ng tunay kong ina k-kasi manganganib daw po ang buha

