“Mamang Ichi. . .” Lumingon sa akin si Mamang Ichi na kaiinom lamang ng gamot bago ako tinaasan ng kilay. “Hmm?” Malakas akong bumuntong hininga at napalabi. Kanina ay gustong-gusto ko siyang tanungin pero ngayon ay parang nabahag ang aking buntot dahil sa kaba at pag-aalangan. Hindi agad ako nakasagot sa kaniya at sa halip ay nagbaba na lamang ng tingin. Mamang Ichi let out a harsh breath. “Anong gusto mong itanong?” she asked once again. I licked my lower lip as I turned my head up to look at her. “U-Umalis na naman po ba si Yvvo?” Kinakabahang tanong ko sa kaniya.’ Sa ikalawang pagkakataon ay muling bumuntong hininga si Mamang Ichi at tila nag-aalangan pang sagutin ang tanong ko. Napalabi ako at muling nagbaba ng tingin. “Umalis na naman nga po,” mahinang usal ko. “Umalis na naman

