“Himala at papasok ka? Akala ko ay magpapahinga ka muna nang isang linggo?” Kuya asked in a baritone voice. Napalabi ako bago kaswal na nagkibit-balikat. “Wala rin naman akong magawa rito sa bahay saka empleyado ako ng kumpanya, hindi may-ari,” pagdadahilan ko. Hindi na naman niya ako sinagot pa at sa halip ay nagkibit-balikat na lamang kaya naman nag-iwas na ako ng tingin at muling sinuri ang sarili ko sa salamin na nasa living room. My lips puckered upon seeing my reflection. Halatang kulang ako sa tulog dahil sa lalim ng eyebags ko. Alam kong napansin na rin nina Dad at Kuya ang pagbabago ko ngunit hindi na lamang nila pinansin dahil mukhang nahalata naman nila na hindi ako kumportable. “Kayo pa rin ba ni Ate Amesyl?” I asked out of the blue before turning my head towards his dire

