“Riley? ‘Nak?” I slowly opened my eyes upon hearing my father’s voice outside. Wala sa sarili akong napatingin sa orasan at agad na napabuntong hininga nang makitang umaga na, halos tanghali na nga kung tutuusin. Masiyado palang napahaba ang tulog ko. Agad kong inayos ang aking sarili bago dali-daling pumunta sa pintuan upang pagbuksan si Dad. Mukhang kanina pa siya sa labas ngunit hindi ko agad napansin dahil malalim ang tulog ko. “D-Dad,” I awkwardly greeted him right after I opened the door. “Good morning po.” A small smile crept his lips. “Good morning din. Hinihintay ka namin ng Kuya mo kanina para sa agahan pero mukhang tulog ka pa kaya umuna na kami. Masama ba ang pakiramdam mo?” Mabilis akong umiling sa kaniya at tipid na ngumiti. “Napasarap lang po ang tulog ko, Dad. Pas

