CHAPTER FORTY AMBER'S POV HINDI ako mapakali. Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa loob ng kuwarto ko. Alam kong sinabi ni Nanay na maayos na nag-uusap si Tatay at Ze, nakita ko rin naman kanina nang sumilip ako sa bintana, pero hindi pa rin mawala ang kaba sa aking dibdib. Lalo pa't nag-iinom sila, baka uminit na naman ang ulo ni Tatay at kung saan na naman mauwi ang usapan nila. Kaya kahit antok na antok na ay pinilit kong h'wag matulog. Pinagpapawisan na ako sa pagpapabalik-balik ko. Paano kung saktan na naman ni Tatay si Ze, ni hindi pa nga nawawala ang mga pasa nito sa mukha. At alam kong pati ang katawan nito ay masakit pa rin kahit wala itong sabihin sa akin. Muntik pa akong mapatalon nang makarinig ng katok sa labas ng pinto ng aking kuwarto. Dali-dali akong lumapit doon a

