CHAPTER FIFTY-TWO ZEUS'S POV NASA taxi pa lang ako papunta sa Tagaytay ngunit abot-abot na ang kabang nararamdaman ko. Kanina ko pa tinatawagan ang numero ni Amber pero hindi ito sumasagot. Maging si Ate Alma at Aldrin ay tinatawagan ko na rin pero walang sumagot isa man sa kanila. Kahit kay Jhon na pinsan ni Amber ay nagbakasakali ako ngunit kagaya ng mga nauna, wala rin akong nakuhang reply o chat man lang. "Damn! Answer your phone, Amber!" gigil na sabi ko nang hindi pa rin sagutin ni Amber ang tawag ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinawagan ang numero nito at ng pamilya nito. "f**k! Answer the phone!" Halos maibato ko na ang cellphone ko. Muli kong tinawagan si Amber pero bigo pa rin ako. Si Aldrin naman sana ang tatawagan ko nang mag-ring iyon. Mabilis kong s

