CHAPTER FIFTY-ONE ZEUS'S POV NAGISING ako sa pakiramdam na tila may mga matang nakamasid sa akin. Agad akong nagmulat ng aking mga mata kahit nahihilo pa ako. Namimigat ang buong katawan ko, maging ang ulo ko, hindi pa malinaw sa akin ang lahat. Basta ang natatandaan ko lang may humarang sa sasakyan ko habang binabagtas ang daan papunta sa Tagaytay. Tagaytay? Mabilis akong napabangon nang maalala kong ngayon ang araw ng kasal namin ni Amber. Aalis sana ako sa kama nang ma-realize kong nakatali ang mga kamay at paa ko. Pinilit kong makawala sa pagkakatali ngunit sa tuwing tatangkain ko iyon ay pahigpit nang pahigpit ang tali. "Huwag mo ng subukan, hindi ka makakatakas diyan, solid wire iyang nakatali sa'yo." Mabilis akong tumingala para tingnan ang taong nagsalita. Gano'n na lamang

