CHAPTER FIFTY AMBER'S POV KANINA pa nakaalis sina Nanay sa simbahan para dalhin si Tatay sa hospital ngunit nanatili pa ako roon. Nakaluhod habang nakaharap sa altar. Sa altar kung saan sabay sana kaming mangangako ni Zeus ngunit hindi siya dumating. Tahimik akong umiiyak habang nakaluhod. Iyong pakiramdam na ang sakit-sakit na pero nagbabakasakali pa rin akong dumating siya. Iyong katulad sa TV na humahangos na dumating iyong groom. Ngunit oras na ang lumipas ay walang humahangos na Zeus na dumating. Gusto ko pa ring paasahin ang sarili ko. Nagdadasal ako na sana panaginip lang ang lahat at paggising ko ay okay na. "Tara na, Amber." Ang boses na iyon ni Ate Alma ang tila nagpagising sa akin. Ang boses nito ang nagpatunay na hindi ako nananaginip lang, totoo ang mga nangyayari. "

