Chapter 49

2288 Words

CHAPTER FORTY-NINE AMBER'S POV Dumating ang araw ng kasal namin ni Zeus. Ang araw na tila isang sentensya para sa akin. Walang paglagyan ang takot na nararamdaman ng puso ko ng mga sandaling iyon. Kahit tumawag si Zeus kagabi ay tila hindi naging sapat iyon para mawala ang takot sa puso ko. Mapapanatag lang ako kung makikita ko siya. Kung makikita siya ng dalawang mata ko na nakatayo sa harap ng altar at naghihintay sa akin doon. Pero hangga't hindi nangyayari iyon patuloy na lalamunin ng kaba ang puso ko. Pumaparada pa lamang sa harap ng simbahan dito sa Tagaytay ang bridal car na sinasakyan ko ay tila gusto nang bumigay ng mga tuhod ko. Pinagpapawisan na ako ng malapot hindi dahil sa init kun'di dahil sa nerbiyos. Hindi ko na matandaan kung ilang ulit akong nagpakawala ng buntong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD