CHAPTER FORTY-EIGHT AMBER'S POV Nang mga sumunod na araw, naging abala na kami ni Zeus. May kaniya-kaniyang nakatoka sa amin na dapat naming gawin. Hanggang sa dumating ang araw ng pag-uwi ko sa Tagaytay. Mauuna na kasi ako do'n at si Zeus ay sa araw mismo ng kasal na lang daw pupunta kasama ang mga kaibigan nito. Bago ako uuwi sa Tagaytay ay okay na lahat, maghihintay na lang kami sa pagdating ng araw na iyon sa buhay namin ni Zeus. Hindi pumayag si Zeus na hindi ako maihatid ng araw na iyon. Inihatid niya ako at doon pa ito natulog ng gabing iyon. Siyempre walang ganap dahil pareho kaming pagod at isa pa kainuman nito ang pamilya ko. KINABUKASAN ay nagising ako sa masuyong halik sa pisngi ko. Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Zeus. Halatang bagong

