CHAPTER FORTY-SEVEN AMBER'S POV I smelled the scent of roses. Tuluyan na akong nagising nang maramdaman ko ang mga titig na tila tumatagos sa aking mga buto. "Ze.." wika ko habang unti-unting nagmulat ng aking mga mata. Ang guwapong mukha ni Ze ang namulatan ko. Nakaupo ito sa lapag, nakapatong ang mga braso nito sa kamang kinahihigaan ko habang nakapatong doon ang baba nito. He was staring at me lovingly. At totoo pala iyong naaamoy ko dahil may pumpon ng mga rosas sa may ulunan ko. Hindi ko alam kung anong oras ito dumating kagabi dahil pagkatapos kong umuwi kahapon galing sa Mall ay umiyak lang ako nang umiyak. Nakatulugan ko na nga ang pag-iyak. Pero bago ako tangayin ng pagod at antok ay naisip kong ang unfair ko kay Ze kung maniniwala ako sa iba. Sa gitna ng pag-iyak kahapon h

