CHAPTER FIFTY-NINE ZEUS'S POV "Huwag ngayon, Xander, please? Ang dami ko ng problema, huwag mo na munang dagdagan. Hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. Hirap na hirap na ako, kaya puwede bang ikaw na muna ang bahala sa problema na iyan." Kahapon kasi ay ibinalita nito sa akin na may isang investor na gustong mag-full out ng share sa kumpanya namin ni Xander. Mabigat ang dibdib na bumalik ako sa couch at isinandal ang ulo. Ramdam kong sumunod si Xander sa akin. Nagsisikip na ang dibdib ko sa patong-patong na problema. Mahal na mahal ko si Amber pero galit siya sa akin. Ayaw na niya akong makita at walang kasingsakit ang gusto niyang mangyari. Para akong mamamatay sa mga araw at linggong lumilipas na hindi kasama si Amber. Gusto ko siyang makita at makasama pero kahit ang m

