CHAPTER FIFTY-EIGTH AMBER'S POV MATULING lumipas ang mga araw at linggo. Halos hindi ko na namamalayan. Pinilit kong mamuhay nang normal sa kabila ng mga naririnig ko sa paligid ko. Noong unang mga araw, ayaw ko talagang lumabas ng bahay namin dahil alam kong ako ang pinag-uusapan ng mga tao. Ang pamilya ko ang laman ng tsismis. Natakot akong lumabas noong mga nakaraang linggo dahil mas'yado pang sariwa ang mga pangyayari at hindi naman ako manhid o bato para hindi maapektuhan sa mga sinasabi nila laban sa akin. Ngunit sa huli, na-realize kong wala naman silang ambag sa buhay ko para magpaapekto pa ako sa kanilang lahat. Isa pa, buntis ako at ayaw ko na lang stress-in ang sarili ko. Aaminin ko na may pagkakataon na gusto kong makita si Zeus, dala siguro ng pagbubuntis ko. Pero sadya

