Chapter 44

1580 Words

CHAPTER FORTY-FOUR AMBER'S POV "MASAYA ka ba?" tanong ni Zeus sa akin. Mula sa pagkakasandig sa dibdib nito ay nag-angat ako ng mukha at tumingin dito. "Oo naman. Ikaw?" Mabilis nitong hinalikan ang mga labi ko bago sumagot. "Sobra." Nang yakapin niya ako nang mahigpit ay hinayaan ko siya. Hinayaan kong makulong sa matitipunong bisig ng fiance ko. Ngunit ang ngiti sa aking mga labi ay unti-unting nabura nang may maalala. "Zeus." Mayamaya ay tawag ko rito. "Hmm?" "Paano mo sasabihin sa pamilya mo ang tungkol dito?" tanong ko. Natigilan ito. "Paano kapag hindi sila pumayag na maging bahagi ako ng pamilya ninyo, Ze?" Hinaplos nito ang braso ko. "Baby, nasa tamang edad na ako, kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko. Hindi na ako bata na puwede nilang diktahan sa puwede at hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD