Chapter 1

452 Words
Third Person POV "Soleil, Samantha, magbihis kayo! May imemeet tayo na business partners ngayon! " Mula sa ikalawang palapag ng bahay ay nagmamadaling magbihis ang magkapatid na Auxtero. Grabeng pagpapaganda ang ginawa ng nakakatandang anak ni Mr. and Mrs. Auxtero na si Samantha. Nagkalat ang mga damit ng dalaga sa sahig ng kanyang kwarto. At sa kabilang kwarto naman ay naroon ang isang dalagang nakasuot lamang ng isang simpleng dress. Naunang lumabas ang dalaga at bumaba na agad ito. "Oh Soleil, na saan na ang ate mo?" Mrs. Auxtero asked. "Pababa na po ata siya, mommy." sagot naman nito. "Dapat naka red lips ka, nak." sabi ni Mrs. Auxtero habang inaayos ang buhok ni Soleil. "My naman, alam niyo na man pong hindi ako mahilig sa kulay na yan." nakasimangot na sagot ng dalaga. "Naku! Hayaan mo na yang mommy mo, Sol. Bagay na bagay sayo kahit anong kulay." nakangiting sambit naman ni Mr. Auxtero. "Hon naman! Sinasab-" "I'm done!" masiglang sagot ni Samantha habang nagmamadaling bumaba sa hagdan. "Careful ate." Sol said with her sweet voice. "I know. I'm not tanga." Pabalang na sagot nito. "Sam." nagbabantang tawag ni Mr. Auxtero. "alright! Chill!" sabi nito at tinaas pa ang dalawang kamay sa ere. "Let's go na. Baka maabutan pa tayo ng traffic." Magkatabing nakaupo ang magkapatid habang ang mag asawa naman sa likod nh driver seat. May sariling body guards at drivers ang pamilya Auxtero dahil mayayaman sila. Malayong nakatingin si Soleil sa mga gusaling nadadaanan nila. Habang si Samantha naman ay abala sa pagtitipa sa cellphone nito. Fast forward... Nang makarating ang pamilya sa isang restaurant, agad silang sinalubong ng mga guards ng kabusiness partner nila. "Naghihintay na po sila sa loob, madame, senior Auxtero." sabi ng isang guard. Dumiretsong pumasok ang pamilya at doon nakita na nila ang likod ng kabusiness partner nila na nakaupo na sa naka reserve nilang table. "Good evening, I'm sorry we're late." Salubong na sabi ni Mrs. Auxtero. "Oh no it's okay! Have a seat." sabi ng isang magandang babae na kaedad lang din ni Mrs. Auxtero. Doon lamang nakita ni Sol ang mukha ng dalawang business partners ng magulang niya. Mag-asawa ito at pamilyar ang mukha nila. Napansin din niya ang bakanteng upuan sa gilid kung saan may cellphone na nakalagay sa harapan nito. May kasama pa sila. "Nasaan na pala ang Unico ijo niyo?" Tanong ni Mr. Auxtero. "Nag cr lang-" Hindi na naituloy ni Mrs. Chavez ang kanyang sasabihin nang umupo na ang binata sa bakanteng upuan. "Andito na pala siya." Napatingin ang magpamilya sa binata. "Son, this Mr. and Mrs. Auxtero, and their two lovely daughters, Samantha and Soleil..." "...And Soleil, this is Jayden Chavez, your soon to be husband."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD